MGA TANONG PO:27. Sino nga ba talaga ang nag-utos at nagplanong patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino??? Nakapagtatakang sa panahon ni Pangulong Cory Cojuango Aquino ay hindi natukoy ang mastermind nito. Nakapagtatakang kahit itinuro na ng nakulong na mga sundalo, nitong huli sa pamamagitan pa ni Chaplain Msgr. Robert Olaguer, na si tycoon DANDING COJUANGO, dating Ambassador at Marcos Crony DANDING COJUANGCO, ang UTAK ng pagpatay kay Ninoy sa airport ay tinutulan ng pamilya Aquino na buksang muli ang kaso sa panahon ng dating (pekeng) administrasyon. Nakapagtatakang sa lakas ng impluwensya ng pamilya Aquino-Cojuangco—nakatulong pa ngang magpabagsak ng isang tunay na halal na Pangulo di tulad nila, si Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong EDSA 2 coup, at nanalo pa nga itong psychologically challenged by default and by looks na si “Pangulong” A_NOY—ay 2 1/2 dekadang hindi natukoy ang utak ng Ninoy Assassination.Ngayon daw ay gustong pabuksan ni “Pangulong” Abs muli ang kaso. At mukhang Marcos na naman ang puntirya. Bakit sa mahabang panahon ay hindi nila hinabol ang hustisya para sa ama nila??? Tinanggihan nga nilang buksan muli ang kaso nang lumabas ang “confession” ng mga sundalong nakulong sa Aquino-Galman case eh. Bakit kaya? Dahil ba pag nalaman ng taumbayan na hindi si dating Pangulong Ferdinand Marcos o pamilya nito ang nagutos sa pagpatay kay Ninoy ay hihina o mawawalan sila ng moral hold sa impluwensya sa Pilipinas? Matatandaang ang kanilang pagakyat sa kapangyarihan ay nakasalalay sa paniniwalang ginawan sila ng kawalanghiyaan ng mga Marcos.Nang binigyan ni Gloria Dorobo ng amnesty itong si Master Sgt. Pablo Martinez ay pinanindigan niya ang kanyang matagal nang sinasabi na si “Danding Cojuangco” ang mastermind sa pagpatay kay Ninoy. Noong 1994 ay sinulat na ito ni Martinez sa noon ay Pangulong Fidel Ramos aka Tabako:“The men who engineered the assassination were Gen. Romeo Gatan, Mr. Hermilo (sic) ‘Boy’ Gosuico (who) were both men of Danding Cojuangco, while Col. Romeo Ochoco was the man of Gen. Fabian Ver, AFP chief-of-staff, during that period……I wrote this handwritten testimony of mine to reveal some cover-up information which were not revealed during the inquisition in court….”Ito rin ay inulit ni Chaplain Olaguer na nagsabing umamin si Martinez—na naging born-again nga pala noon 1994 kung kailan niya unang inamin ang pagkakasangkot niya sa plano ni Danding—na siya at ang kasama niyang nakulong ay nakipagplano sa pagpatay kay Ninoy at sa Carlston Hotel sa Baclara, Paranaque pa sila nag.meeting kasama ng mga tauhan ni Danding Cojuangco na umaming ito nga (Danding) ang utak.Bakit naman gustong patayin ni Danding ang asawa ng sarili nitong pinsan? Kasi raw ay ang tingin nito kay Ninoy ay balakid sa plano niyang lagong lumago ang crony businesses nito. Ang kilalang dikit at crony ni Marcos ay ganito lamang po kalakas:"At the height of cronyism in the Philippines, Cojuangco controlled $1.5 billion in corporate assets, an amount estimated to equal 25% of the country’s GNP. He headed an agricultural and industrial conglomerate with interests in diverse areas as coconut, sugar, agri-business, banking, and a host of others. The *Wall Street Journal* observed that Cojuangco attempted to create “cartels in rice, sugar, flour, groceries, and soft drinks but ran out of time.” Referring to Cojuangco’s tendency to create monopolies in  the industries where he had investments, a journalist gave him the nickname Pacman, a reference to the computer game where the object is to eat up as much as you can. Cojuangco’s personal net worth was estimated at $500 million, making him among the country’s richest men. [page 217 Some Are Smarter Than Others by Ricardo Manlapat 1991]."In fairness to Danding Cojuango, may nagsasabing maaring operation ng Kalbong Agila ang pagpatay kay Ninoy. Ngayon, ang tanong, talaga bang gustong matukoy ni psycho-challenged “Pangulong” Abs ang tunay na mastermind—ang tiyuhin nila—o Marcos bashing and hunting na naman ito????________Mga Batis:Abaya, Antonio. Who Killed Ninoy? Manila Standard. 24 Aug. 2004. http://www.geocities.com/dapat_tapatt/whokilledninoy.html‘Eduardo Cojuangco behind Ninoy Aquino Murder’. Newsbreak. 23 Nov. 2007. http://www.newsbreak.ph/2007/11/23/%E2%80%98eduardo-cojuangco-behind-ninoy-aquino-murder%E2%80%99/Ramos, Marlon. Freed convicts didn’t kill Ninoy—chaplain. Inquirer. http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=20090308-192936
Spaeth, Anthony. “Murder Mystery.” Time. http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,1161332,00.html
Stuart, Santiago. Ninoy’s killers (updated). 27 March 2009. http://www.stuartsantiago.com/ninoys-killers/Tiu-Laurel, Herman. WAS NINOY’S  DEATH A U.S. OPERATION? 23 Aug. 2010. http://www.newsflash.org/2004/02/ht/ht009578.htm
Raw photo credits:
http://www.retrato.com.ph/retratoimages/SC/SC02261a.jpghttp://img.timeinc.net/time/asia/covers/501060227/images/373_prisoners.jpghttp://www.newsflash.org/2004/02/pictures/000074459.jpghttp://indiosbravos.blog.com/files/2011/05/Imelda_Marcos-76.jpghttp://midfield.files.wordpress.com/2009/08/aquino-assassination-montage-main1.jpghttp://www.stephenbrookes.com/storage/MARCOS_dandang.jpg?__SQUARESPACE_CACHEVERSION=1200968038637
**************

MGA TANONG PO:

27. Sino nga ba talaga ang nag-utos at nagplanong patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino??? Nakapagtatakang sa panahon ni Pangulong Cory Cojuango Aquino ay hindi natukoy ang mastermind nito. Nakapagtatakang kahit itinuro na ng nakulong na mga sundalo, nitong huli sa pamamagitan pa ni Chaplain Msgr. Robert Olaguer, na si tycoon DANDING COJUANGO, dating Ambassador at Marcos Crony DANDING COJUANGCO, ang UTAK ng pagpatay kay Ninoy sa airport ay tinutulan ng pamilya Aquino na buksang muli ang kaso sa panahon ng dating (pekeng) administrasyon.

Nakapagtatakang sa lakas ng impluwensya ng pamilya Aquino-Cojuangco—nakatulong pa ngang magpabagsak ng isang tunay na halal na Pangulo di tulad nila, si Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong EDSA 2 coup, at nanalo pa nga itong psychologically challenged by default and by looks na si “Pangulong” A_NOY—ay 2 1/2 dekadang hindi natukoy ang utak ng Ninoy Assassination.

Ngayon daw ay gustong pabuksan ni “Pangulong” Abs muli ang kaso. At mukhang Marcos na naman ang puntirya. Bakit sa mahabang panahon ay hindi nila hinabol ang hustisya para sa ama nila??? Tinanggihan nga nilang buksan muli ang kaso nang lumabas ang “confession” ng mga sundalong nakulong sa Aquino-Galman case eh. Bakit kaya? Dahil ba pag nalaman ng taumbayan na hindi si dating Pangulong Ferdinand Marcos o pamilya nito ang nagutos sa pagpatay kay Ninoy ay hihina o mawawalan sila ng moral hold sa impluwensya sa Pilipinas? Matatandaang ang kanilang pagakyat sa kapangyarihan ay nakasalalay sa paniniwalang ginawan sila ng kawalanghiyaan ng mga Marcos.

Nang binigyan ni Gloria Dorobo ng amnesty itong si Master Sgt. Pablo Martinez ay pinanindigan niya ang kanyang matagal nang sinasabi na si “Danding Cojuangco” ang mastermind sa pagpatay kay Ninoy. Noong 1994 ay sinulat na ito ni Martinez sa noon ay Pangulong Fidel Ramos aka Tabako:

“The men who engineered the assassination were Gen. Romeo Gatan, Mr. Hermilo (sic) ‘Boy’ Gosuico (who) were both men of Danding Cojuangco, while Col. Romeo Ochoco was the man of Gen. Fabian Ver, AFP chief-of-staff, during that period……I wrote this handwritten testimony of mine to reveal some cover-up information which were not revealed during the inquisition in court….”

Ito rin ay inulit ni Chaplain Olaguer na nagsabing umamin si Martinez—na naging born-again nga pala noon 1994 kung kailan niya unang inamin ang pagkakasangkot niya sa plano ni Danding—na siya at ang kasama niyang nakulong ay nakipagplano sa pagpatay kay Ninoy at sa Carlston Hotel sa Baclara, Paranaque pa sila nag.meeting kasama ng mga tauhan ni Danding Cojuangco na umaming ito nga (Danding) ang utak.

Bakit naman gustong patayin ni Danding ang asawa ng sarili nitong pinsan? Kasi raw ay ang tingin nito kay Ninoy ay balakid sa plano niyang lagong lumago ang crony businesses nito. Ang kilalang dikit at crony ni Marcos ay ganito lamang po kalakas:

"At the height of cronyism in the Philippines, Cojuangco controlled $1.5 billion in corporate assets, an amount estimated to equal 25% of the country’s GNP. He headed an agricultural and industrial conglomerate with interests in diverse areas as coconut, sugar, agri-business, banking, and a host of others. The *Wall Street Journal* observed that Cojuangco attempted to create “cartels in rice, sugar, flour, groceries, and soft drinks but ran out of time.” Referring to Cojuangco’s tendency to create monopolies in  the industries where he had investments, a journalist gave him the nickname Pacman, a reference to the computer game where the object is to eat up as much as you can. Cojuangco’s personal net worth was estimated at $500 million, making him among the country’s richest men. [page 217 Some Are Smarter Than Others by Ricardo Manlapat 1991]."

In fairness to Danding Cojuango, may nagsasabing maaring operation ng Kalbong Agila ang pagpatay kay Ninoy.

Ngayon, ang tanong, talaga bang gustong matukoy ni psycho-challenged “Pangulong” Abs ang tunay na mastermind—ang tiyuhin nila—o Marcos bashing and hunting na naman ito????

________


Mga Batis:

Abaya, Antonio. Who Killed Ninoy? Manila Standard. 24 Aug. 2004.
http://www.geocities.com/dapat_tapatt/whokilledninoy.html

‘Eduardo Cojuangco behind Ninoy Aquino Murder’. Newsbreak. 23 Nov. 2007. http://www.newsbreak.ph/2007/11/23/%E2%80%98eduardo-cojuangco-behind-ninoy-aquino-murder%E2%80%99/

Ramos, Marlon. Freed convicts didn’t kill Ninoy—chaplain. Inquirer. http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=20090308-192936

Spaeth, Anthony. “Murder Mystery.” Time. http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,1161332,00.html

Stuart, Santiago. Ninoy’s killers (updated). 27 March 2009. http://www.stuartsantiago.com/ninoys-killers/

Tiu-Laurel, Herman. WAS NINOY’S  DEATH A U.S. OPERATION? 23 Aug. 2010. http://www.newsflash.org/2004/02/ht/ht009578.htm

Raw photo credits:

http://www.retrato.com.ph/retratoimages/SC/SC02261a.jpg

http://img.timeinc.net/time/asia/covers/501060227/images/373_prisoners.jpg

http://www.newsflash.org/2004/02/pictures/000074459.jpg

http://indiosbravos.blog.com/files/2011/05/Imelda_Marcos-76.jpg

http://midfield.files.wordpress.com/2009/08/aquino-assassination-montage-main1.jpg

http://www.stephenbrookes.com/storage/MARCOS_dandang.jpg?__SQUARESPACE_CACHEVERSION=1200968038637



**************